Advertisers

Advertisers

P1.6M NG ECSTACY TABLETS, NASAMSAM SA PAMPANGA

0 232

Advertisers

Tinatayang nasa P1.6 million na halaga ng ecstasy tablets ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Clark, sa Pampanga.
Sa ulat, idineklara ang nasabing kargamento bilang “Air humidifier” na kung saan may laman itong 988 na piraso ng ecstasy tablets.
Ayon sa report, galing sa Milton Keynes, United Kingdom ang dumating na kargamento sa naturang pantala noong September 1, 2020.
Nang suriin ito, natuklasan ng otoridad na mga ilegal na droga ang laman ng mga ito.
Isinailalim agad sa laboratory testing at chemical analysis ang mga tableta at dito na nakumpirmang Methylenedioxymethamphetamine (MDMA) o “ecstasy” ang mga nasabing tableta.
Naglabas ng warrant of seizure sa mga kargamento at naiturn-over na ito sa PDEA.(Jocelyn Domenden)