Advertisers
Inirekomenda ni presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa darating na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force na ipatupad ang limang araw na color-coding scheme para gunitain sa Nobyembre 1, araw ng Undas kaysa ipasara ang sementeryo.
Sinabi ni Roque na napakahalaga sa mga Pilipino ang araw ng Undas at isa ito sa alternatibong paraan.
Ayon pa sa tagapagsalita ng Pangulo na naiiba ang Pilipino pagdating sa kanilang mga yumaong pamilya pagdating sa paggunita sa kanilang mahal sa buhay.
Aniya tanging sa buong daigdig ang mga Pilino ang nagtutungo sa sementeryo na dinadalaw ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay at isinasantabi ang ibang bagay para sa kanila. (Vanz Fernandez)