Advertisers

Advertisers

Bebot inatado ng bayaw na sinabihang tamad

0 278

Advertisers

PINAGTATAGA ang isang babae ng kanyang bayaw sa Baliwag, Bulacan.
Kinilala ang nasawi na si Susan Juego habang tumakas ang salarin na si Edwin Vicente kapwa residente ng Brgy. Sta. Barbarra.
Sa ulat, nangyari ang pananaga Biyernes ng umaga sa Aldama, Brgy. Sta. Barbara.
Ayon kay Leticia Mallari, nakatatandang kapatid ng biktima, tinadtad ng taga ng salarin si Susan.
Sinabi ni Mallari, na ilang Linggo na at halos araw-araw nag-aaway ang dalawa hanggang masabihan na biktima ang salarin ng tamad at limang buwan na nitong pinalalamon.
Nanawagan naman ng hustisya ang kaanak ng biktima at sa agarang pagdakip sa salarin.(James de Jesus)