Advertisers

Advertisers

2 minero patay nang ma-suffocate sa loob ng tunnel

0 238

Advertisers

Patay ang dalawang minero, kabilang ang isang menor-de-edad nang ma-suffocate sa nag-leak na gas sa hinuhukay na tunnel sa Agusan del Sur.

Kinilala ang mga namatay na sina Jonathan Candelasa, 15; at Rixie John Fernandez, 21, kapwa ng Brgy. Grace Estate, Bayugan City ng nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa minahan sa Brgy. Das-agan, San Francisco Agusan del Sur nitong Huwebes.



Sa report, pumasok ang dalawang biktima, kasama ng tatlo pa sa may 45-metrong lalim na tunnel para kunin ang ginagamit nilang submersible pump. Nahirapan ang mga ito sa pagkilos sa loob ng tunnel dahil bukod sa gas na kanilang nalalanghap, lalo pang nagpahirap sa kanila ang biglang pagkakaroon ng tubig sa loob ng tunnel.

Ayon sa 3 kasama na nakaligtas, bigla na lamang bumagsak ang dalawang biktima nang mahirapang huminga.(PFT team)