Advertisers
MATULOY nang ayon sa nakatakda kahit walang crowd na ibig sabihin ay walang audience ang pahihintulutan na dumagsa sa lahat ng mga laro ng teams sa Philippine Basketball Association na napipintong magbalik-aksiyon sa Oktubre 9 na unang iniskedyul ng Commissioner at ng board ng liga.
Sa pahayag ni coach Louie Alas ng Phoenix Fuel Masters team sa kanyang virtual guesting sa TOPS Usapang Sports On Air, hangad niya na sana matuloy ang orihinal na plano ng petsang nabanggit.
“Ang initial plan will be on Oct. 9, I guess kasi lahat very excited na makabalik dahil kailangan natin ito para sa normalcy ng sitwasyon. Sana matuloy ang original plan. May meeting bukas para ma-finalize na.”
Nang tanungin naman si coach Alas kung may pag-asa pa bang makalaro ngayong season si Calvin Abueva sa team at totoo ba ang trade dito, “Basing sa mga interview kay Commissioner, hambing ko rin sa mga ginawa ni Calvin, Yes! Siguro naman, ginawa naman niya ang lahat. Ang question lang is when? Personally wala rin akong alam sa balita hinggil sa trade kay Calvin, pero para sa akin hindi ko ite-trade.”
Nabanggit din niya na naging napakahigpit ng team pagdating sa health protocol maging sa susunod na programa ng koponan.
“Ang tingin ko we’re doing good, grabe ang ginagawang trabaho ng Phoenix, kahit kami ini-involve nila kung paano maging aware ang publiko, kung ano ang ginagawa namin at mga plano. Maganda ang programa ng management sa PBA, support sa amin sobrang ingat nila especially sa COVID-19 health protocol. Sa sobrang pagsunod namin sa protocol kapag sinong magkamali ay sanction nila agad, that’s why iyong sanction sa akin ay kailangan maging maingat ka. Hindi lang para sa paligid namin kundi para sa lahat.”
Ibinalita rin ni Alas na baka bukas ay matatapos ang 15 araw na suspensiyon na ipinataw sa kanya bunga ng paglabag sa health protocol na pinaiiral na IATF matapos na mag-workout ang team sa Ortigas.
“Makatulong na ako sa public at maramdaman nila ang normalcy ng situation.”
Nang hingan siya ng payo bilang beteranong coach sa mga bagong coach, “First and foremost, ipakilala mo kung sino ka, at ano ka, at kung ano ang plano mo. Being a college coach, hindi lang ito ang trabaho, parang isang head ka na puwede kang tatay, kuya, teacher kaya lahat ay gagawin mo ipamalas mo lahat ng gusto mo ipakita. Numero uno sa college coaching, ang sincerity mo. Hindi makukuha ang puso ng bawat estudyante hangga’t hindi nila nakikita kung sino ka talaga.”(Danny Simon)