Advertisers
HINDI sumama ang loob ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong bigyan ng absolute pardon si US Marine Joseph Scott Pemberton.
Pahayag ni Roque na dating abogado ng pamilya Laude, nirerespeto nito ang desisyon ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Roque, sa kanyang personal na opinyon kaya pinili ni Pangulong Duterte na pakawalan o bigyan ng absolute pardon si Pemberton ay dahil mayroong mas importanteng national interest na dapat pangalagaan at ito ay ang pagkakaroon ng bakuna ng bansa laban sa COVID-19.
Maliban sa Russia, kabilang ang Estados Unidos sa mga bansang nagde-develop ngayon ng bakuna panlaban sa COVID-19.
Sinabi pa ni Roque, hindi na siya nasorpresa sa naturang desisyon at kanya na rin tinanggap ang reyalidad na may importanteng interes na dapat itaguyod si Pangulong Duterte.
Iginiit din ni Roque na ang pagkakaloob ng pardon ay masasabing “‘most presidential of all presidential powers” kung saan walang sinuman ang maaaring kumuwestyon dito, saan mang korte. (Vanz Fernandez)