Advertisers
NASAMSAM ang higit P2.7 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City, Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang babaeng target ng buy-bust operation na si alyas Rain.
Sa report, isinagawa ang transaksyon ng mga tauhan ng regional special enforcement team ng PDEA National Capital Region sa suspek sa labas ng isang kainan sa Chino Roces at Arnaiz Avenue.
Tinatayang nasa 2 kilo ang nakuhang droga na nakalagay sa mga pakete ng tsaang Chinese.
Nahaharap si Rain sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Gaynor Bonilla)