Advertisers

Advertisers

MAYOR SUSPENDIDO, VICE MAYOR INARESTO SA GRAFT!

Dobleng kamalasan ng bayan sa Zambo

0 245

Advertisers

SINUSPINDE ang isang mayor sa Zamboanga Del Sur ng 60 araw at inaresto naman ang vice mayor nitong Martes.
Pinatawan ng suspensyon ni Zamboanga Del Sur Governor Victor Yu si Kumalarang town Mayor Ruel Molina dahil sa kinakaharap na kasong administratibo.
Isinampa ang reklamo laban sa mayor buwan ng Hulyo.
Umaktong alkalde ngayon ang 1st councilor sa bayan ng Zamboanga del Sur.
Samantala, inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group si Vice Mayor Allan Damas ng naturan ding bayan sa bisa ng ‘warrant of arrest’ sa kasong ‘Graft’ na inilabas ng korte July 10, 2020.
Napatunayang guilty si Damas sa kasong ‘nepotism’.
Dahil sa dalawang insidente, si top councilor Raniel Dormitorio ang officer-in-charge sa bayan.