Advertisers

Advertisers

Liza dinepensahan ng fans sa akusang maganda lang pero boba

0 259

Advertisers

MATAPOS madismaya sa internet provider na Converge, panibagong pagkadismaya na naman ang naramdaman ni actress Liza Soberano.

Hindi napigilan ni Liza na magkomento matapos ipagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte ang absolute pardon kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Matatandaang nakulong si Pemberton nang patayin ang Filipino transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014, nang malaman niyang hindi pala ito tunay na babae.



Sa pagputok nga muli ng balita dahil sa absolute pardon ni Pemberton, nag-trend din ang hashtag TransLivesMatter. Ayon sa tweet ng aktres, naiiyak na lamang ito sa pagkadismaya.

Kinuwestiyon nito ang pangyayari at sinabing tama bang patayin si Jennifer dahil lamang sa sexual orientation nito. Inihayag pa nito na nagkakaroon siya ng typo error sa kanyang mga tweet dahil sa galit nito. Yung dapat murderer, referring sa pumatay,  ang nasulat niya lang ay murder. Dahil dito, binash siya ng ilang netizens ns obvious ay maka-Duterte. Sabi sa kanya ng iba ay maganda lang siya pero boba.

Siyempre, ipinagtanggol naman si Liza ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na ng kanyang mga tagahanga. Hindi raw boba si Liza.

Isa nga raw ito sa mga artistang matalinong sumagot. Nagkataon nga lang daw na nagkamali ito ng naisulat dahil nga sa pagmamadali, na hindi matanggap na lalaya na ang sundalo.

***



SA October 5 na magsisimula ang radio program ni Ted Failon sa TV 5  na Failon Ngayon,  mula 6:00am hanggang 10:am.  Kasama pa rin niya rito si DJ ChaCha.

At ang mga naging staff niya  sa Failon Ngayon noong nasa ABS-CBN pa ito. Nu’ng kunin kasi ng nasabing istasyon ang beteranong broadcaster,  sinabi niya na isama rin si DJ Cha Cha at ang kanyang staff.

O di ba, pasalamat sila kay Ted dahil hindi sila nawalan ng trabaho. (Rommel Placente)