Advertisers

Advertisers

IBINENTA TAYO SA CHINA?

0 831

Advertisers

SAKTONG dalawang taon ang nakalipas nang nagsalita sa isang media forum si Gary Alejano, kinatawan ng Magdalo Party List sa Kongreso. Mabigat ang salita ni Gary Alejano na noon ay mambabatas. Nakatanggap siya ng ulat sa mga dating kasamang sundalo na pinigilan umano ni Rodrigo Duterte ang Philippine Navy na magpatrulya sa West Philippine Sea (WPS). Bahagi ang WPS sa South China Sea na ang halos kabuuan ay inaangkin ng China.

Dahil sa kakulangan ng patrulya sa kontrobersiyal na bahagi ng South China, madaling nailatag ng China ang mga military facility sa dalawang isla na kasama sa exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas, ngunit inaangkin ng China. Huli na ng malaman ng bansa ang ginawa ng China. Hindi nakapagpahayag ng anumang pagtutol ang gobyerno.

Fast forward tayo sa 2019, lampas sa isang taon ang nakalipas. Sa isang talumpati sa Senado, hiniling ni Francis Tolentino sa mga kasamang mambabatas na ratipikahin ang kasunduan sa pagitan ni Duterte and Xi Jin ping ng China. Wala sanang problema dahil trabaho ng Senado ang magratripika ng mga tratado at iba pang kasunduan sa ibang bansa.



Napilitan tumayo si Franklin Drilon at kuwestiyunin si Tolentino sa mga detalye ng mga kasunduan ng dalawa. Walang mailabas si Tolentino. Inamin niya na hindi niya alam ang mga napagkasunduan ni Duterte at Xi. Sa maikli, nais niya ratipikahan ang mga kasunduan na walang nakakaalam kung ano ang mga iyon.

Iginiit ni Tolentino na ratipikahan ang mga kasunduan ni Duterte at Xi batay sa pagtitiwala ng mga mambabatas kay Duterte. Napanganga na lamang ang mga senador. Maging si Drilon ay walang masabi. Sobrang pagsisipsip naman na iyon. Paano kung nagkasundo sila na gawing lalawigan ng China ang Filipinas?

Subalit hindi lahat ng panahon ay pawang katangahan, kamangmangan, o kawalang paggalang sa talino ng sambayang Filipino. Mukhang alam ng malaking bahagi ng Sandatahang Lakas na pabagsak ang kalusugan ni Duterte at hindi niya kaya ang hinihingi ng kanyang tanggapan. Batid nila na lumpong pato ang kanilang Commander-in-Chief.

Patunay ang hindi pagsang-ayon ng hepe ng Philippine Navy sa P14 bilyon proyekto na bagong paliparan sa Sangley Point sa Cavite City. May mga isyung seguridad, ayon kay Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo sa mga ulat na lumabas sa mga dayuhang peryodiko.

Bagaman layunin ng bagong paliparan na maibsan ang trapik ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, sinabi ni Bacordo na hindi siya pumapayag na kasama ang China Communications Construction Co. (CCCC), isang kumpanyang pag-aari ng China na hindi na maaaring magkaroon ng operasyon sa Estados Unidos.



Na-ban ng Washington ang CCCC dahil sa ilegal na konstrukyon ng mga artificial island sa South China Sea. Sangkot ang kumpanya sa mga maanomalyang Belt at Road Initiative project sa Asya, aniya.

“It (naval base) is guarding the entrance to Manila Bay and ­Manila Bay is the center of gravity of the national government. If Manila falls, the whole country falls,” ayon kay Bacordo sa kanyang pahayag sa Philippines Inquirer.net. Kailangan na walang paglabag ang CCCC’ sa usapin ng seguridad ng Filipinas, aniya.

Inaprubahan ni Duterte ang proyektong bagong paliparan sa Sangley Point ilang araw matapos sinabi ni Teddy Locsin ng DFA ang pangangailangan na tapusin ang mga kontra sa mga kumpanyang kasama sa militarisasyon ng South China Sea.

Hindi maaalis sa aming isipan kung ibinenta na tayo ni Duterte sa China. Hindi maikakaila ang labis-labis na pagkiling ni Duterte sa China. Maski noong nagsalita si Tolentino sa Senado noong nakaraang taon. May suspeta kami na plano ni Duterte at Xi na gawing lalawigan ng China ang Filipinas. Hindi namain masikmura ang nabubuong sabwatan.

***

HINDI namin alam kung anong uri ng masamang hangin ang pumasok sa utak ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy. Umaapaw sa galit at negatibong damdamin ang puso ng babaing ito. Kahit sa pagdinig sa panukalang budget ng PCOO sa Kamara de Representante ay bumubula ang bibig sa nag-aakusa na komunista ang ilang mamababatas doon.

“Red tagging” ang tawag sa ginagawa ni Badoy. Mas magaling ang mga militar sa ganyang uri ng trabaho kasi sila ang humaharap sa mga komunistang rebelde. Hindi ang klase ni Badoy na nakababad sa opisinang may aircon ang may kakayahan ng makauna.

Pinakamaganda na tumahimik na lamang siya. Itikom ang bibig sa mga usapin na hindi siya magaling. Pinakamaganda ang ginawa ni PCOO Secretary Martin Asndanar. Itinatwa siya at sinabi na hindi opisyal na posisyon ang sinabi ni Badoy. Sa maikli, opinyon lang niya iyon. Sang-ayon kami sa panukala na bigyan ang PCOO ng pisong budget.

***

MGA PILING SALITA: “Ibalik mo muna ninakaw mo bago ka magkawanggawa.” – Remedy Medina sa post ni Bong Revilla na magbibigay siya ng 1,000 tablet sa mga mag-aaral

“The PNoy administration had incurred total borrowings of P1.337 trillion for the entire six-year term (2010-2016). The Duterte government is projected to incur total borrowing of almost P8 trillion. In brief, what the PNoy government had borrowed for the six year term would be equivalent for only one year of the Duterte’s six-year term of office. No need for further argument. The data could only boggle the mind.” – Philip Lustre

“Borrowings are also good if the money is used judiciously. In our case, doubts persist in the way the coffers are being managed, in the face of alleged large-scale corruption being unearthed almost on a regular basis. Many view Duterte’s pronouncement that justice will be meted out on government officials suspected of “just a whiff” of corruption as a mere soundbite. They point out that the president has been quick in absolving his supporters of any wrongdoing, even before they undergo judicial proceedings. The tentacles of corruption seem to choke every government office: PhilHealth, Customs, Immigration…the list is just too long to enumerate here.” – Val Villanueva

“In a presidential system like ours, the President is both the head of state and government. As head of state, the President is expected to embody the country’s aspirations, dreams, and ideals. He represents the country’s best qualities. As head of government, he leads the country to attain those aspirations. He attends to its day-to-day operations. As head of state and government, the President assumes the moral high ground. He can’t be the neighborhood toughie, who threatens his subjects. He is the father of the nation, who encourages his subjects to bring out the best in them and contribute to nation-building. When he does the opposite, he ceases to be the head of state and government. He’s melting down, as one netizen puts it.” – Archie Mendoza

***

Email:bootsfra@yahoo.com