Advertisers

Advertisers

Hepe ng intel ng pulis huli sa kotong

Hindi natunugang huhulihin siya...

0 280

Advertisers

INARESTO ng mga elemento ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group ang heppe ng intelligence ng Norzagaray Police Station sa pangongotong sa Norzagaray, Bulacan.
Kinilala ni Brig. General Ronald Lee, Dir. ng PNP-IMEG, ang inaresto na si Staff Sergeant Jonathan dela Cruz, chief intelligence officer ng Norzagaray Municipal Police Station.
Ayon kay Lee, 5:30 ng hapon nang isagawa ang entrapment operation ng pinagsanib na elemento ng IMEG-Luzon Field Unit, Counter-Intelligence Division ng PNP-IG, 82nd Special Action Company, at PNP Special Action Force sa Norzagaray Municipal Police Station.
Sa ulat, natuklasan na ang motorsiklong Yamaha Mio MC kulay magenta na walang plaka na ginagamit ni Dela Cruz sa isang drug operation noong Agosto 26, 2020 ay hindi isinama niya sinama sa inventory item na kanilang nakumpiska at ipinatutubos ng P10,000 upang ma-release ito.
Dinala si Dela Cruz sa headquater ng PNP-IMEG sa Camp Crame sa Quezon City para sa booking at ipaghaharap ng kasong kriminal at admimistratibo. (Mark Obleada/Thony Arcenal )