Advertisers

Advertisers

Gerald Santos excited na sa shooting ng ‘Mamasapano’

0 475

Advertisers

MAGSISIMULA na ngayong September ang shooting ng pelikulang Mamasapano na mula sa Borracho Film Production na pinamumunuan ni Atty. Ferdinand Topacio.

Impressive ang cast nito na pinangungunahan nina Edu Manzano as Gen. Magalong, JC de Vera as trainor, Aljur Abrenica as Franco, Gerald as Christopher Lalan, Rez Cortez as Gen. Purisima, Juan Rodrigo as Mar Roxas, Allan Paule as Gen. Napeñas, Jojo Alejar as Rodriguez, Myrtle Sarrosa as Gladys, Ritz Azul as Mary Ann, Claudine Barretto bilang Mrs. Erika Pabalinas, Kate Brios as the secretary, LA Santos as Tayrus, at iba pa.

Ayon kay Atty. Topacio, ang eksena ni Lalan na siyang lone survivor sa SAF 44 massacre ay isa sa highlights ng pelikula.



Nagpasalamat naman si Gerald kay Atty. Topacio sa pagkakataong ibinigay sa kanya na mapabilang sa naturang pelikula.

Saad ng singer/actor, “To be handpicked by Atty. Ferdie Topacio to play a key role in the movie, is a big honor. Napakaganda ng role, si Lalan is a man of great courage. Isang himala na he survived the ordeal. Iyong pinagdaanan niya sa naganap na siege, sigurado ako na aabangan ng mga manonood iyon.”

Ano ang gagawin niyang preparation para sa role niya rito?

Tugon ni Gerald, “I’ve been reading and studying the script. Reading more a lot about what really happened in Mamasapano. Looking back on all news articles and news about that tragic day. Also I’m already working out ‘coz it should be realistic that I’m really a soldier ready and fit for battle.”

Excited din si Gerald, dahil nabanggit ni Atty. Topacio na nakatakda silang i-train mismo ng SAF troops.



Deklara ni Gerald, “Ang role ko rito is physically demanding because I will hold a gun, a grenade launcher… We are in a real action.  So to prepare for the role, I have to undergo training kasama sina Aljur Abrenica at JC de Vera sa supervision ng totoong SAF troop.”

Incidentally, sa naturang zoom presscon ng Mamasapano ay nag-donate si Atty. Topacio ng 100k sa Actor’s Guild. Ito ay tinanggap mismo ni Rez Cortez, ang current president ng Actor’s Guild.

Ang Mamasapano ay pamamahalaan ni Direk Lawrence Fajardo, mula sa script ni Eric Ramos. Hindi pa kompleto ang cast nito pero balita namin ay kasali rin dito sina Erika Mae Salas at Janah Zaplan na may gagampanang mahalagang papel sa pelikula.

Ngayon pa lang, marami na ang nag-aabang sa pelikulang ito na gumimbal sa sambayanang Pilipino limang taon na ang nakaraaan, dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng 44 SAF troops. (Nonie V. Nicasio)