Advertisers

Advertisers

Dahil sarado na ang Dos… Vina sinunggaban na ang offer ng Net25 para magkaraket

0 251

Advertisers

HABANG naghihintay sa pagbabalik taping sa pag- ere ng natigil na serye, ang Love of My Life dahil sa pandemya, waiting pa rin ang lead actress na si Carla sa go signal sa pagbabalik work.

Kahit din ang mga co-star sa Love Of My Life series na sina Rhian Ramos at Mikael Daez ay waiting galore sa kanilang pagbabalik-trabaho.

Habang wala pa nga silang work eh naging busy si Carla sa pagtutok sa kanyang bahay.



Dahil sa Covid-19 ay kinailangan ni Carla na maging malinis sa sarili at hindi nga lang daw ‘yun dahil kahit ang kanyang bahay at buong kapaligiran sa kanila ay kasama sa dapat na malinis.

Naging suki na nga raw si Carla ng mga sinasabing deep cleaning sa kanyang bahay kasama na ang pagdi-disinfect sa kabuuan nito.

Kailangan naman puhunanan ang pagde-deep cleaning sa buong bahay ni Carla at may maganda naman daw benepisyo ito sa kanya at mga mahal sa buhay.

Huwag nga raw manghinayang lalo na ang usaping kalusugan ang concern dito.

Inaasahan naman na hindi lang si Carla sa showbizlandia ang gumawa nito for sure na marami ang gagaya kung health din lang ang usapan.



***

HINDI naman ipinagkaila ni Vina Morales na nang hindi mabigyan ng prangkisa ang kanyang home network na tuluyang nagsara, ang ABS-CBN, isa siya sa libu-libo na nawalan ng work.

Feeling blessed si Vina dahil sa kabila ng pandemya ay nagkaroon ito ng work.

Bukod sa musical serye na makakasama ang ex-bf na si Robin Padilla, may isa pang programa na magdya-judge naman ito para sa show na Tagisan Ng Galing.

Okey naman daw mag-work si Vina sa ibang network per project.

Isa si Vina sa umaksyon agad nang payagan lahat ng ABS-CBN artists na puwede na sila na mag-work  sa ibang himpilan.

Pag may event daw ang Net 25 na pag-aari ng INC ay lagi naman umanong naiimbitahan ang singer-actress.

Dahil need ng work, grab agad ang kapatid ni Shaina Magdayao sa offer.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)