Advertisers
NAGKAKAHALAGA ng P13 million ang shabu na nasamsam sa isang babae ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operation sa Makati City.
Kinilala ang nadakip na si Asrainie Bilao y Bucua.
Ayon sa ulat, 5:30 ng hapon nang isinagawa ng pinagsanib na elemento ng PDEA NCR, PDEA 4-A at AFP-ISAFP ang buy bust operation sa harap ng Army Navy, Waltermart, 790 Chino Rocess St., Arnaiz Ave, Pio Del Pilar, Makati City.
Narekober ng mga operatiba kay Bilao ang 2 kilos ng shabu, nagkakahalaga ng P13 million.
Nasa kustodiya na ng PDEA si Bilao na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165. (Mark Obleada/Gaynor Bonilla)