Advertisers

Advertisers

700 PRIVATE SCHOOLS SARADO NGAYON

0 297

Advertisers

NASA halos 700 mga pribadong paaralan sa buong bansa ang nagsara ngayong school year.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Usec. Jesus Mateo, nasa 676 ang mga private schools ang nag-abiso sa kanilang hindi magbubukas ngayong taon dahil sa covid-19 pandemic.
“Temporary lang ang closure nila pero kung maganda-ganda na next year, magbubukas na po sila,” ani Mateo.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, ang mababang enrollment turnout at ang paglipat ng mga guro sa public schools ang ilan sa pangunahing rason ng pansamantalang pagsasara ng mga pribadong eskuwelahan.
Kasabay nito nanawagan ang DepEd sa mga lokal na pamunuan na tulungan ang mga private schools sa kanilang mga lugar lalo na’t nahihirapan sila mag-operate ngayong pandemya.
Sa datos mula sa ahensya, ang temporary closure sa mga paaralan ay makakaapekto sa mahigit 40,00 estudyante at mahigit 3,000 mga guro. (Josephine Patricio)