Advertisers
KUNG ang ibang tao, kating-kati nang makaalis sa Pilipinas dahil takot sa paparaming kaso ng Covid-19 sa bansa, ibahin mo ang komedyanang si Rufa Mae Quinto.
Para sa kanya, masarap pa ring mabuhay sa sariling bansa.
Sa Pilipinas kasi siya nakilala, nagka-career at narito ang mga kamag-anak at kaibigan.
Kaya naman, kahit nasa Tate na siya kapiling ang kanyang husband na si Trevor Magallanes, patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kanyang mga faney at followers sa kanyang mga ganap sa bansa.
Doon rin kasi nagtratrabaho ang kanyang mister kaya join siya para samahan ito sa hirap at ginhawa.
Kamakailan lang, ipinasilip niya sa kanyang Instagram account ang newly-renovated house sa Quezon City habang stuck sila sa pandemic sa Estados Unidos.
“Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede nang umuwi. Imagine habang pandemic, nagpapagawa ako ng bahay, habang Andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lock down, stop, close, open , ecq, mcq, gcq, etc…. pero sa awa ng Diyos, Pa tapos na ang bahay, naitawid ang Lahat. Kaka miss … pero wait wait Lang… Todo na to! Go go goals. god will provide amen. ito din yung katas ng labor of love. Ito din ang isa sa dahilan Bakit miss na miss ko ang Pilipinas,” aniya.
Si Rufa o Peachy ay isa rin sa mga nalulungkot sa kapalarang sinapit ng ABS-CBN dahil marami rin siyang shows at guestings na ginawa sa nasabing network.
Si Rufa ay nakilala bilang sexy comedienne na na-link noon kina Jay Manalo, Dingdong Avanzado at Erik Santos.
Ikinasal siya sa financial analyst na si Trevor noong Nobyembre 25, 2016.
Naging ganap na mommy nang ipanganak niya si Athena noong Pebrero 18, 2017.
Huling nagbida siya sa pelikulang “Bagyong Bheverlynn” na naging kalahok sa 2018 Cinema One Originals filmfest. (Archie Liao)