Advertisers
KUMAMADA si Jaylen Brown ng 27 points at nagdagdag si Kemba Walker ng 21 points at 7 assists, upang tulungan ang Boston Celtics na ilaglag ang Toronto Raptors sa 111-89, kahapon para maangkin ang 3-2 lead sa Eastern Conference semifinals.
Puntirya ng Celtics na tapusin ang defending champion sa Game 6 bukas.
Jayson Tatum bumakas ng 18 points at 10 rebounds para sa Celtics, at lahat ng kanilang starters ay umiskor ng double-digits.
Pinamunuan naman ni Fred VanVleet ang opensiba ng Toronto Raptors sa kinamadang 18 points, na laglag sa 0-2.