Advertisers
Magandang umaga po, Mr. President. Mandatory po ba na ang mga PNO Bisoc trainee ang magpagawa ng building at bakuran sa Regional Special Training Unit Region 8? Paimbestigahan nyo po d2 RSTU 8 ang gumastos po ng bakod d2 ay mga PNP Bisoc trainee. Umabot po ito sobra sa kalahating milyong piso. Ang gumawa po nito mga trainee pa po mismo. Ang laki nga ng tubo ng mga buwaya rito, tulad po ng PNP training manager na si JB, Maderazo, Pedrosa, Marteja, Orcullo at Roda. Kawawa naman po d2 ang mga anak namin. Halos po wala nang sahod na naku2ha kada buwan. Abonado pa po kami. At bakit po hanggang ngayon ay andito pa po itong si JB eh may memo na po siya para patalsikin d2? – Concerned parent ng Bisoc trainee
Bgy. tanod sa Pasay tinitimbrehan
ang mga adik pag may pulis
Gud morning po. Nais ko pong maiparating sa DILG o sa Mayor ng Pasay City na may isang tanod ng Bgy. 172 na protektor ng mga gumagamit ng marijuana. Kaya po pag nasabi na may ipapahuli sa pulis ay tinitimbrehan niya, kaya pag dumating na ang pulis wala nang maabutan dahil sa kanyang ginagawa. Sana aksyunan ng kapitan itong tao na ito, sibakin na bilang tanod para di makasira sa barangay na sakop nya. – Concerned citizen lang po