Advertisers

Advertisers

‘MANILA RESTAURANT WEEK’, ILULUNSAD – ISKO

0 332

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na ilulunsad sa kalagitnaan ng buwang ito ang ‘Manila Restaurant Week’ upang i-promote ang mga restaurants sa lungsod at muling pasiglahin ang klima ng kalakalan sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Moreno ang nasabing isang linggong food festival, na utak ni permits bureau chief Levi Facundo, ay layuning suportahan ang mga aims city-based entrepreneurs partikular ang mga local restaurateurs, ang pamahalaang lungsod at ang mismong ekonomiya ng lungsod.

Sinabi pa ni Moreno na mararanasan ng lahat ng mga parukyano ang alaala ng nakalipas habang kumakain na nakatanaw sa Old Manila.



Ayon sa alkalde ang ‘Manila Restaurant Week’ ay nakatakdang ganapin mula September 20 hanggang 27, 2020. Ito ay isang bahagi lamang ng ‘Manila Support Local’ campaign na nauna nang inilunsad ng pamahalaang lungsod upang hikayatin ang publiko na tangkilikin ang mga negosyong nakabase sa Maynila sa tuwing sila ay kakain at mamimili ng anumang pangangailangan nila.

“This citywide celebration is meant to promote Manila restaurants, from the most prominent ones to the ‘hidden gems.’ Each time you avail from our partner restaurants, you give back to these establishments the honor of being resilient amids challenges from which we are truly grateful,” ayon kay Moreno.

Nabatid kay Facundo na habang sinusulat ang balitang ito ay mayroon ng 66 restaurant owners na nagpahayag ng kanilang kagustuhan na sumali sa weeklong festival.

Ang bawat lalahok na restaurant ay mag-aalok ng prix-fixe breakfast, lunch o dinner sa abot kayang presyo upang i-promote ang kanilang restaurant sa pamamagitan ng pagpapakilala ng kanilang specialties at bagong naimbentong putahe, ayon kay Facundo.

“As we welcome you back to where history and food collide, we invite you to travel back in time as we launch a week long food festival. This festival aims to support the different businesses in Manila during this pandemic by promoting and acknowledging them,” sabi pa ni Facundo.



Idinagdag pa niya na: “For the first time in history, as the City of Manila adapts to the restrictions placed due to the COVID-19 pandemic, we are virtually launching the Manila Restaurant Week 2020, designed to capture the attention of the public and introduce each participating restaurant. Media, celebrities and influencers will go around each participating restaurant to introduce their prix-fixe menus on livestream media via various and popular online platforms.”

Ang ‘Manila Restaurant Week’ ay gagawin buwan-buwan sa loob ng walong araw (mula Linggo hanggang Linggo) hanggang sa bumalik na sa normal ang lahat. Ang mga paanyaya ay naipadala na sa iba’t-ibang etablisiyemento na nagsisilbi ng pagkain.

Ang lahat ng mga lalahok maging ito man ay fine dining, casual dining, cafes, bar o lounges ay nire-require na mag-promote ng program sa loob ng dalawang linggo sa kanilang social media pages at sa harap ng kanilang pintuan para sa mga walk-in customers.

Ang grand virtual launch ay gaganapin sa September 15 sa iba’t-ibang venues na iaanunsyo sa mga darating na araw. (Andi Garcia)