Advertisers
Gitgitan ang karamihan sa mga serye ngayon sa NBA playoffs. Napanood natin nitong Lunes (Manila time) ang Game 2 ng serye sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets.
Maraming nagsasabi na kontrapelo ng Lakers ang Rockets dahil sa magkaiba ang kanilang istilo ng laro. Maraming big men ang Lakers habang small-ball ang laro ng Rockets kung saan ang tumatayo nilang sentro ay ang 6-foot-6 na si P.J. Tucker.
Nangibabaw ang bilis ng Rockets sa Game 1 pero nakabawi sa Game 2 ang Lakers, 117 – 109 sa likod ng 34 points ni Anthony Davis at near triple-double ni LeBron James na may 28 points, 11 rebounds at 9 assists.
Parehong 1-1 ang serye sa Western Conference dahil nakabawi rin sa Game 2 ang Denver Nuggets matapos itong tambakan sa Game 1 ng Los Angeles Clippers.
Sa Eastern Conference naman ay tabla sa 2-2 ang Boston Celtics at defending champs Toronto Raptors habang naghihingalo ang Milwaukee Bucks against the Miami Heat, 1-3.
***
Marami ang nasorpresa sa resulta ng Italian Grand Prix noong Linggo. Nagwagi ang 2000-1 underdog na si Pierre Gasly ng AlphaTauri after holding off Carlos Sainz of MCLaren and Lance Stroll of Racing Point.
It’s been a while since the last time na walang Mercedes, Ferrari at Red Bull driver na nakatuntong sa podium. Puro hindi nakatapos sa race ang Ferrari drivers na sina Sebastian Vettel at Charles Leclerc pati na rin si Max Verstappen ng Red Bull.
Ang six-time world champ na si Lewis Hamilton ang nangunguna sa karera pero nabigyan ito ng 10-second stop-and-go penalty for entering the pit lane while it’s closed. Dahil sa penalty ay napunta sa huling puwesto si Hamilton pero nakahabol ito sa puntos at tumapos na pang-pito. Ang Mercedes teammate niya na si Valtteri Bottas ay tumapos sa ikalimang puwesto.
Aminado naman si Hamilton na deserving siya na ma-penalize at masaya umano siya sa panalo ni Gasly na na-demote last year from Red Bull to AlphaTauri.
***
Congratulations sa ating kumpareng si Grandmaster Mark Paragua matapos pagharian ang GM Rosendo Balinas Memorial Tournament noong Linggo. Umabot sa 654 ang kalahok sa nasabing event na pinondohan ng mga kapatid na yumaong chess grandmaster.