Advertisers
NGAYONG 18 years old na ang Kapuso Breakout Star na si Kyline Alcantara, inamin nitong handa na siyang tumanggap ng “mature” at “challenging” roles.
Aniya, “I will accept more ‘mature’ or like ‘challenging roles’ because people will expect more from me. So that’s a challenge for me and I like challenges.”
“Feeling ko naman as an artista we need to evolve, we need to level up. So, yeah. I think I’m ready to mature but not in a very sexual way,” dagdag pa niya.
Hiling din ni Kyline para sa kanyang kaarawan ay mas dumami pa ang kanyang “Sunflowers,” tawag sa kanyang fans.
“Gusto ko mas dumami ‘yung Sunflowers ko. And mas magkaroon ng maraming blessings sa career, of course. With my family, maging safe po, mas humaba pa po ‘yung buhay nating lahat, mawala na po ang COVID para makapagtrabaho na po,” lahad ng Kapuso star.
Habang hindi pa nagbabalik-telebisyon ang Bilangin ang Bituin sa Langit, napapanood si Kyline sa All-Out Sundays tuwing Linggo at sa rerun ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.
***
Yasmien Kurdi at Benjamin Alves, may pasilip sa lock-in taping ng ‘I Can See You: The Promise’
Masaya at proud na ipinasilip ni Kapuso actress Yasmien Kurdi ang ilang behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping para sa bagong program ng Kapuso Network na I Can See You: The Promise.
Sa kanyang Instagram post na makikitang may suot siyang face shield, nagpasalamat si Yasmien sa maingat na pagtatapos ng kanilang lock-in taping, “Done. THANK YOU, LORD! ayyiiieee uwian na, natapos din namin! pagkatapos ng ilang araw na #lockintaping for #ICanSeeYou #ThePromise. Congratulations Team “The Promise” Excited na ako mapanood n’yo ang gawa namin! #newnormal.”
Bukod kay Yasmien ay nag-post din ng photo ang co-star niyang si Benjamin Alves na matatanaw ang magandang lake house kung saan sila nag-taping.
Sa isa pang post ay ibinahagi rin ni Benjamin ang pangalan ng gagampanang karakter, “Jude Agoncillo… soon on #ICanSeeYou on GMA!”
Makakasama rin nina Yasmien at Benjamin sa ‘The Promise’ sina Paolo Contis at Andrea Torres. Abangan ang pinakabagong offering ng GMA Drama team na ‘I Can See You’ na mapapanood sa Telebabad block ngayong Setyembre sa GMA-7.
***
Dingdong aminadong challenging ang new normal taping para sa DOTSPh
Ilang araw nang nagte-taping ang cast ng Descendants of the Sun PH sa Rizal para sa upcoming fresh episodes ng primetime series.
Sa latest Instagram post ng lead star ng programa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ikinuwento niya ang naging experience ng buong team sa pagbabalik-trabaho sa ilalim ng new normal.
Aniya, “We are at Day 7 of our lock-in shoot here in Rizal to finish Descendants of the Sun PH. The initial few days of the shoot [were] challenging because we were all adjusting to the new protocols. Pero bonus talaga that the team has already established a good and smooth working relationship, kaya naging mas madali ang adjustment.”
Ayon sa aktor na gumaganap bilang Big Boss, dahil sa kanilang location ay hirap din sila na magkaroon ng malakas at maayos na signal connection. Kaya naman naghanap pa siya ng tamang lugar para kumustahin ang kanyang pamilya.
“So, today is rest day, and I had to ride a few kilometers to get some signal within the property. Kahit mahirap ang connection, its time to check on my family – my wife and kids, who I truly miss; @dingdongph which has an on going dry run; and @aktorph. I hope you and your loved ones are also healthy and safe over there.” (Showbizteam)