Advertisers
PATAY ang driver ng ambulansya nang salpukin ng sasakyan ng isang opisyal ng pulisya sa Capiz.
Kinilala ang nasawi na si Darius Yap, driver ng ambulansya ng Sigma-Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sugatan naman si Capt. Alcer Daba-ay Monsera, 49, hepe ng Dumalag Police, residente ng Saint Jude Subd., Manduriao, Iloilo City.
Sa report, 10:00 ng gabi ng Lunes nang maganap ang insidente sa Barangay Ondoy, Ivisan, Capiz.
Ayon sa ulat, minamaneho ni Yap ang ambulansya patungong Roxas para sunduin ang mga nagsiuwing overseas worker, kasama ang kapwa frontliners na sina John Rey Castillon, 29, ng Brgy. Poblacion Norte; at Ernie Fulgencio, 25, ng Brgy. Manggoso. Pagsapit sa nasabing lugar, bigla na lamang sinalpok ang ambulansiya ng Mistsubishi Montero Sport.
Dinala sa Capiz Doctor Hospital ang mga sakay ng ambulansya at Montero pero idineklarang patay si Yap.
Nasugatan din si Capt. Monsera at ginagamot sa Capiz Emmanuel Hospital.(PTF team)