Advertisers

Advertisers

BRGY. DOLORES, TAYTAY CHAIRMAN HINAHANGAAN NG CONSTITUENTS?

0 1,309

Advertisers

Hanga ang ilang mga residente sa kanilang CHAIRMAN sa BARANGAY DOLORES, TAYTAY, RIZAL dahil sa kabila ng SUSPENSION NOTICE mula sa COMMISSION ON AUDIT (COA) ng REGIONAL OFFICE IV-A ay nakapagpapatuloy ang operasyon ng kanilang pangasiwaang pambarangay.

Ang hinahangaang CHAIRMAN ay si TSERMAN ALLAN DE LEON na kahit may SUSPENSION NOTICE ANG COA hinggil sa paggamit ng pondo sa kanilang barangay noon pang August 2017 dahil may mga buwan noong taong 2016 ang kuwestiyonable sa pinaggamitan ng kanilang pondo dahil walang kaukulang sapat na dokumento at nitong January ng kasalukuyang taon ay pinadalhan na naman ng COA si TSERMAN DE LEON ng STATEMENT OF AUDIT SUSPENSION, DISALLOWANCE AND CHARGES (SASDC).

Subalit, tila dedma lang daw ito kay TSERMAN na hindi inaaksiyunan ang SUSPENSION NOTICE at tuloy lang ang kaniyang performance kasama ang iba pang mga opisyal bilang mga inihalal ng kanilang mga kabarangay.



Yun nga lang, may mga kabarangay silang kumukuwestiyon kung legal nga ba ang paggamit sa pondo ng kanilang barangay dahil may inilabas na COA SUSPENSION.., o saan galing ang pondong ginagamit ngayon sa kanilang barangay operations tulad ng gasolina o pang-maintenance ng kanilang mga barangay patrol vehicle, kuryente, tubig at mga office supplies.

Sa punto ng ilang mga kabarangay ni TSERMAN.., kapag ang isang BRGY. CHAIRMAN ay pinadalhan ng SASDC mula sa COA, hindi nito puwedeng galawin ang pera o pondo ng barangay hangga’t hindi pa nito naaayos ang mga papeles kung paano ginasta ng kaniyang administrasyon ang milyun-milyong piso.

Nangangahulugan lamang ito na wala silang gagastusing pera para sa suweldo ng mga empleyado, gasolina ng mga sasakyan ng barangay, at iba pa na karaniwang kinukuha sa nasabing pondo lakip na ang pambayad sa tubig at kuryente na nakapangalan sa barangay.

Sabagay.., ang makukuha mula sa BARANGAY CLEARANCE FEES ay maaaring gastusin sa panahon ng suspensyon, sapagkat may kapangyarihan ang isang CHAIRMAN na gamitin ito ngunit kailangan din itong may resibo dahil sisilipin din ito ng COA sa ibang pagkakataon.

Ang kinakailangan palang isaayos o i-liquidate ni TSERMAN ay mahigit P6 milyon na nagasta mula sa kanilang pondo.., e madali lamang itong maisaayos ni TSERMAN.., pero kung wala siyang mailalakip na proof o mga resibo bilang dokumento sa mga pinagkagastusan ay siguradong kaso ang kakaharapin ni TSERMAN!



***

PWDs LIBRE DAPAT SA PARKING FEES!

Bilang pagmamalasakit sa kapakanan ng mga PEOPLE WITH DISABILITIES (PWD) ay ipinapanukala ng bagitong si QUEZON CITY COUNCILOR NIKKI CRISOLOGO na mabigyan ng EXEMPTIONS ang mga ito para sa PARKING FEES.

Itong si QC 1st DISTRICT COUNCILOR NICOLE ELLA “NIKKI” CRISOLOGO katuwang si COUNCILOR WENCERON BENEDICT LAGUMBAY ay naghain ng kanilang PROPOSED CITY ORDINANCE No. P021CC-139 na naglalayong malibre ang mga PWD na residente sa kanilang lungsod para sa pagbabayad sa PARKING FACILITIES.

Sa naturang inihaing Ordinansa, ang PARKING FACILITIES ay kinabibilangan ng mga MALL, HOSPITALS at iba pang mga establisimiyento na dapat ay hindi na sisingilin pa ang mga ito para sa PARKING FEES.

Inihayag ni COUN. NIKKI CRISOLOGO na siyang umaaktong PEOPLE WITH SPECIAL CHALLENGES COMMITTEE CHAIRPERSON, na ang CONSTITUTION ay nagsasaad ng pagpapahalaga sa dignidad ng bawat tao at pagbibigay ng buong respeto para sa karapatang pantao; kung saan ang PWDs ay nabibilang sa SPECIAL SECTOR na nangangailangan ng atensiyon para sa pagsusulong ng SOCIAL, ECONOMIC at SPIRITUAL ASPECTS.

“Under the Local Government Code of 1991 mentioned that Local Government Units (LGUs) shall provide for the care of disabled persons, paupers and Senior Citizens. Shall establish and provide for the operation of centers and facilities for the needy and disadvantaged persons,” pahayag ni NIKKI CRISOLOGO.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o mag-text sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.