Advertisers

Advertisers

Bahay ni Lola ginawang drug den: PSA employee, 7 pa arestado

Matandang walang pinagtandaan...

0 242

Advertisers

ARESTADO ang siyam katao sa drug buy bust operation Lunes ng madaling araw sa Barangay Maliksi 1, Bacoor, Cavite.
Nadiskubre na ang bahay ng 67-anyos na lola ay ginagawang drug den, kungsaan kasamang naaresto ang isang empleyado ng Philippine Statustics Authority (PSA) at 8 pa.
Kinilala ang mga naaresto na sina Luzviminda Reyes alyas Luzviminda San Jose, 67, target ng buy bust, residente ng Brgy. Maliksi 1; Lorence Hernandez, 42, PSA employee, ng Brgy. Maliksi 3; Wilma Salcedo, 50, ng Sulok, Brgy. Panapaan 3; Raymond Banting, 38, ng Daang Bukid; Jovany Jorca, 40, ng Brgy. Maliksi; Edgardo Filosopo, 59, ng Maliksi 1; Anthony Villarmente, 38, ng Maliksi 3; Mark Novelo, 36, ng Brgy. Maliksi 1; at Michael Dorongon, 39, ng Brgy. Maliksi 1, Bacoor city.
Nakatakas naman ang isang Leo Balais, nasa hustong gulang, ng Brgy. Maliksi 1.
Sa ulat, 2:00 ng madaling araw nang ilatag ng DEU Operatives ng Bacoor CCPS ang buy bust operation kasama ang ilang miyembro ng PDEA laban sa lolang suspek.
Narekober sa loob ng bahay ng matanda ang 7 plastic sachet na may mga lamang shabu.(Irine Gascon)