Advertisers

Advertisers

BABAENG KAPATID NI ARDOT PATAY NARIN

Paubos na mga Parojinog ng Ozamis...

0 356

Advertisers

KASUNOD ng pagkamatay ni dating Ozamis City Councilor Ardot Parojinog sa kanyang selda noong nakaraang linggo, namatay narin ang babaeng kapatid nito na si Melodia “Apyat” Parojinog-Malingin nitong Lunes sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. (MHARS) Medical Center sa Ozamis City.
Si Melodia ay co-accused ni Ardot sa mga paglabag sa RA 9165 at RA 10591.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Camilo Pancratius Cascolan, cadiolic shock secondary to intractable cardiac arrythmia, atrial fibrilation to ventricular tachycardia secondary to massive gastrointestinal bleeding secondary to uremic gastropathy ang ikinamatay ni Melodia, base sa findings ng attending physician.
Samantala, sinabi ni Cascolan na si Ardot na natagpuan nalang na patay sa loob ng kanyang selda sa Ozamis Police Office noong Biyernes ay namatay naman dahil sa cardio pulmonary arrest secondary to cardiovacular disease, base sa initial findings ng City Health Office.
Ayon kay Cascolan, na-turn over na ang labi ni Ardot sa kanyang pamilya nang masuri na ng PNP forensic examiners.
Hindi aniya nag-request ng autopsy ang pamilya ni Ardot, pero patuloy parin ang imbestigasyon ng PNP sa pagkamatay nito, gayundin sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Melodia.(Mark Obleada)