Advertisers

Advertisers

3 bebot huling sumisinghot ng shabu

0 255

Advertisers

ARESTADO ang tatlong kababaihan nang maaktuhang nagpa-pot session Linggo ng gabi sa Las Piñas City.
Kinilala ang mga dinakip na sina Josie Cruz, 50; Angel Timbol, 27, kapwa taga-234 Daang Karton Street, E. Aldana; at Aiza Fajardo, 32, ng Guinto Street, Saint Joseph’s Subdivision, Brgy. Pulanglupa 2, Las Piñas City.
Sa report, 6:32 ng gabi nang maaresto ang tatlo sa isang anti-criminality operation sa Dingding St., Brgy. Pulanglupa 2 ng nabanggit na siyudad.
Nakuha sa tatlo ang 2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,000.00. (Gaynor Bonilla)