Advertisers
SA Facebook Live ni Janice de Belen at ng celebrity photographer na si Raymund Isaac noong September 4, Friday, nag-entertain ng personal questions ang aktres mula sa netizens.
Isa sa mga sinagot niya ang tanong na kung Ikinukunsidera pa ba niyang magkaroon ng significant other. May 12 years na kasing single si Janice.
Sabi niya, “Alam mo, minsan, parang masaya, di ba? Pero there are times na iniisip ko, especially now, marami akong kaibigan na laging may problema, laging may problema sa boyfriend. Parang hindi ko na yata kaya ng ganyan. Kasi for most of my life, I always had a boyfriend. I have always been selfless or I thought I was selfless.”
Ayon pa sa aktes, lagi niyang ikinukunsidera ang damdamin ng boyfriend sa tuwing nasa isang relasyon siya.
“Kasi ang feeling ko, lahat ng mga desisyon ko ay may kinalaman sa kung ikalulungkot nila, ikaseselos nila, or parang kailangan laging… parang hindi ko ma-enjoy ang travelling before, because I always wanted to be with my boyfriend.”
Tingin daw kasi niya lagi, kung sinuman ang karelasyon niya ay iyon na ang kanyang forever.
***
SINAGOT ni Bugoy Carino ang “this is so wrong” tweet ng vlogger at influencer na si Angel Dei noong Lunes, September 6.
Para kasi kay Angel ay napakabata pa ng dating child star para magkaroon ng anak at sa isang mas may edad pa sa kanya na si EJ Laure, na kilalang volleyball player.
“At least ako kahit bata pa pinanindigan ko lahat ng responsibilidad ko at hindi ko po tinakbuhan,” sagot ni Bugoy.
Tama naman si Bugoy. Yung ibang lalaki kapag nalaman nilang nabuntisan nila ang kanilang girlfriend ay pinapala
glag ito, hindi pinaninindigan.
At least, si Bugoy, kahit teen-ager pa lang, pinanindigan niya ang pagiging ama. Hindi siya takot sa responsibilidad. (Rommel Placente)