Advertisers

Advertisers

Training ng student athletes puede na! – IATF

0 200

Advertisers

PINAYAGAN na ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na magbalik ensayo ang mga student athletes sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ito ang inihayag nitong Lunes, September 7, ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang regular na Laging Handa Press Briefing.
“Yung mga fans ng UAAP, magpa-practice na po ang ating mga teams,” ani Roque.
Sinabi ni Roque na kailangan pa rin sumunod ang mga ito sa guidelines na itinakda ng Department of Health (DOH) at Commission on Higher Education (CHED) para sa mga sports training.
Nauna nang pinayagan ng IATF ang pagbabalik training ng mga professional basketball at football players. (Vanz Fernandez/Jonah Mallari/Josephine Patricio)