Advertisers
There, alone in the sterile room, sitting on a pink vinyl chair that boasts many cracks in its once nice upholster, you wait. You think to yourself, who would have thought I would be ringing in the New Year by urinating into a cup to see if I have chlamydia?”
— Amanda Steele, The Cliff
HABANG may posibilidad na magkaroon sa Pilipinas ng batas laban sa ‘stealthing’ kapag pumasa sa Kongreso, mahalagang malaman na ipinagbabawal na ito sa ilang mga bansa sa Europa.
Ang ‘stealthing’ ay pakikipagtalik sa isang babae nang hindi gumamit ng condom nang walang pagsang-ayon ng biktima.
Sa United Kingdom, ipinagbabawal ito kung hindi pumayag ang kapareha ng lalaki na makipag-sex sa kanya ng hindi gumagamit ng condom. Dalawang taon makalipas, hinatulan ng korte sa Switzerland ang isang lalaki sa mas mabigat na kasong rape at nang sumunod na taon, ay kinasuhan ng ‘stealthing’ ang isang opisyal ng pulisya sa Germany matapos mapatunayang nakipagtalik siya nang hindi gumamit ng condom.
Hinain nina AKO-Bicol party-list representative ALFREDO GARBIN at ELIZALDY CO filed House Bill 3957, o ang Anti-Stealthing Law para gawing krimen ang ‘stealthing’ para maparusahan bilang sexual assault.
Ayon sa dalawang mambabatas, ang pag-alis o paghubad ng condom habang nakikipagtalik ay maaaring magresulta sa panganib para sa isang babae dahil may risk o banta rito ng pagbubuntis, bukod sa pagkakahawa sa sakit, kabilang na ang acquired immune deficiency syndrome (AIDS) sanhi ng human immunodeficiency virus (HIV).
Pinunto din nina Garbin at Co na sa paghain ng panukalang batas laban sa ‘stealthing’, ang layunin nila ay maiwasan ang pagkalat ng mga sexually-transmitted disease (STD), at gayun din ang hindi nais na pagbubuntis, particular na sa mga kabataan.
Hindi naman ituturing ang paglabag ng conditional consent sa paggamit ng condom bilang uri ng sexual assault subalit ang sinumang lalaki na lalabag sa batas ay mapaparusahan sa sandaling sumang-ayon siyangng magsuot ng condom. Dangan nga lang ay kung aalisin ang condom habang nakikipagtalik ay ikokonsidera itong sexual assault at sa kaso ng pag-tamper sa condom bago makipagtalik ay ituturing din na rape.
Sa ilalim n g panukalang anti-stealthing bill, ang parusa ay nagmumula sa 12 taong pagkabilanggo at multang PhP100,000 hanggang PhP500,000. Sa kaso ng paghawa ng STD o pagbubuntis sa babae, mahahatulan ang lumabag ng 20 taong kulong at multang PhP200,000 hanggang PhP700,000. Mahaharap naman sa mas mabigat na parusa ang mga lalaking sinadya na mabuntis ang kanyang kapareha.
Maaari din silang mapatawan ng maximum jail term na 40 taon at pagmumultahin ng PhP1 milyon hanggang PhP5 milyon kung nagpumilut na makipagtalik ng walang condom bukod sa hiwalay na kaso ng rape..
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!