Advertisers
HIGIT P1-milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa 4 katao sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.
Sa report, ikinasa ang operasyon sa Fugoso Street, Barangay 310 laban sa 29-anyos na lalaking si alyas “Sadam” at babaeng si alyas “Negra.”
Nakuhanan ang dalawa ng 9 pakete ng shabu.
Naaresto rin ang live-in partner ni alyas “Negra” at isa pang 31-anyos na babae na sinasabing kasabwat din sa pagbebenta ng ilegal na droga.
Ayon kay Lt. Col. John Guiagui, parokyano ng grupo ang mga taga-Sta. Cruz, Sampaloc at Quiapo sa Maynila. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)