Advertisers

Advertisers

MAYNILA TUMANGGAP NG P12M SWAT ASSAULT VEHICLES

0 430

Advertisers

TUMANGGAP ang pamahalaang lungsod ng Maynila kahapon ng anim na brand new SWAT (special weapons and tactics team) assault vehicles na nagkakahalaga ng P12 million mula sa Filipino-Chinese organization.

Ang nasabing sasakyan ay tinanggap nina Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at Secretary to the Mayor Bernie Ang at agad ding itinurn-over kay Gen. Rolly Miranda, hepe ng Manila Police District upang magamit agad ng SWAT team.

Nagpahayag ng pasasalamat si Moreno sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII) na kinatawan ni CEO at VP Cecilio Pedro, vice president Victor Lim, external affairs committee chair Nelson Guevarra at member Jefferson Lau, para sa donasyon ng anim na assault vehicles na ayon kay Moreno ay malaki ang maitutulong sa MPD sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa Maynila.



Ayon kay Ang na siyang nakipag-koordinasyon sa nasabing donasyon, ay malaki aniya ang tiwala ng FFCCCII at buo ang suporta nila sa mga hakbang ni Moreno para sa kapakanan ng mga taga-Maynila.

Idinagdag pa ni Ang na ang donasyon na anim na Hi-Lux vehicles ay nagkakahalaga ng P2 million bawat isa at ito aniya ay isang maliit lamang na paraan nila ng pasasalamat sa proteksyon na ibinibigay ng alkalde sa lahat at sa mga Filipino-Chinese businessmen kung kaya’t maayos at tahimik ang pagpapatakbo nila ng kanilang negosyo sa lungsod.

Bago pa natanggap ang donasyon ay binigyan diin na ni Moreno sa kanyang talumpati ang kontribusyon ng mga private groups kabilang na ang FFCCII at labis nya itong pinasasalamatan. Sinigurado rin ni Moreno na ang binigay na tulong ay gagamitin ng maayos at sa tamang paraan.

Ayon pa sa alkalde, ang kooperasyon ng public at iba’t ibang private groups sa panahon ng pandemya ay malaki ang nagawang tulong sa pagsustina sa mga programa ng lungsod kaugnay ng public services at peace and order. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">