Advertisers

Advertisers

“MAGHIGPIT SA PAGSASAAYOS NG BASURA” – ISKO

Kapwa LGU hinikayat:

0 276

Advertisers

HINIKAYAT ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga kalapit na local government units (LGUs) na maging mahigpit sa pagsasaayos at pamamahala ng mga basura na nasa mga ilog at mga estero, lalo na yaong mula sa mga pabrika, dahil tiyak aniyang magdudulot din ito ng polusyon maging sa Maynila.

Ayon sa alkalde, lahat ng basura mula sa kanluran hanggang silangan ay napapadpad sa Maynila kaya’t sila ang nagiging ‘tagasalo’ ng mga ito.

Tinukoy pa niya ang isang LGU na nasa boundary nila na maraming basura at sila pa aniya ang naglinis nito bilang pagpapakita ng sinserong pagsusumikap na matugunan ang problema sa basura sa mga estero at pakikiisa na rin sa Metro Manila Development Authority (MMDA).



“Katulad ng nabanggit ko, from the east towards the west, lahat ‘yun sinasapo namin. In fact, I will not mention a local government unit, doon sa boundary namin, makikita niyo loaded ng basura,” ani Moreno sa panayam sa Teleradyo.

“Bilang pakikiisa sa MMDA, modesty aside, you can see it in our Facebook na kami pa ang kumukuha kahit na alam namin na boundary na ‘yun, just to show our sincere approach on how to address solid waste materials in our creek,” aniya.

“Sana ang pamahalaan, lokal at nasyonal, mahigpit, lalo na kung pabrika ang pinag-uusapan, kasi malaki ang volume ng itatapon niyan na posibleng maruming tubig sa mga kanal, estero, at ilog ng aming city, kasi kami ang sasalo eh,” panawagan pa ni Moreno.

Matatandaang simula nang manungkulan sa puwesto, isa sa mga pinagtuunan ng pansin ni Moreno ay ang paglilinis at pagbabalik ng dating ganda ng lungsod ng Maynila. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">