Advertisers
HINDI maaring mag-detain o pigilan ang mga pasyente sa mga ospital dahil lamang hindi makapagbayad ng kanilang hospital bills, ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Paliwanag ni Vergeire, nasa guidelines na maaring gumawa ng promisory note ang pasyente para sa kanilang pagbabayad ng instalment.
Ayon pa kay Vergeire bawal pigilan na makalabas ng ospital ang mga pasyente, ito’y nasa batas.
Maari naman aniyang hingan ng IDs ang pasyente upang sa gayun, madaling matunton kapag nakalabas na sila ng ospital sa kabila ng hindi nabayarang hospital bills.(Jocelyn Domenden)