Advertisers

Advertisers

Gary na-bash sa pananahimik sa isyu ng ABS-CBN

0 252

Advertisers

NABABATIKOS ng isang netizen ang singer-songwriter na si Gary Valenciano dahil sa pananahimik nito sa kasagsagan ng isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Dahil dito, naaaakusahan siyang isang DDS at kung hindi man ay playing safe dahil never daw itong nagsalita para ipagtanggol ang network na napakalaki nang nagawa sa kanyang career pagdating sa trabahong naibigay sa kanya.

Ipinagtanggol naman siya ng kanyang misis at manager na si Angeli Pangilinan Valenciano at ipinaliwanag na gumawa pa raw ng video ang kanyang mister para umapila sa mga mambabatas na i-extend ang franchise ng Dos.



Hirit pa niya, kung wala lang daw ‘health issues’ si Mr. Pure Energy, join din daw ito sa mass protests para ipagtanggol ang kanyang network na naging tahanan niya ng maraming taon.

Ito ang naging resbak ni Angeli na pumuna sa kanyang mister: :“Really? Please do more research then. did u see his video for the 100 congressmen&women? Do you even know what you’re saying ?

“If he didn’t have past sicknesses like hepatitis, near-death diabetic attacks, bypass, kidney cancer, TB,etc he would be on the streets,” tweet niya.

***

Michael V nagbigay ng tribute kay Boseman



 

SA isa pang pagkakataon, muling  pinatunayan ng Kapuso comedian na si Michael V ang kanyang pagkahenyo hindi lang sa pagpapatawa kundi pati na sa pagiging magaling na illustrator.

 

Pinuri ng netizens ang kanyang artwork kung saan idrinowing niya ang favorite Marvel comics character niyang si Black Panther na ginampanan ng 43-old year Hollywood actor na si Chadwick Boseman na namatay dahil sa colon cancer.

 

May caption ang artwork niyang Forever kung saan ipinahiwatig niyang mananatili siyang Wakanda Forever fan.

 

Fan din kasi ng Marvel at DC comics superheroes si Michael at hindi niya malilimutan ang pagganap ng kanyang idol bilang King T’challa sa Black Panther.

 

May sarili ring koleksyon si Michael V ng toys at memorabilia ng iba’t-ibang Marvel superhero characters. (Archie Liao)