Advertisers
HINTAYIN na lamang umano ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Sotto kaugnay sa magiging kapalaran ni Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng kontrobersya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ito ay sa kabila na pabor si Senador Christopher “Bong” Go sa karamihan ng rekomendasyon ng report ng Senate Committee of the Whole.
Ipinauubaya na lamang umano ni Go kay Pangulong Duterte bilang appointing auhtority sakaling magkaroon ng pagbabago sa gabinete.
“I agree with most of the recommendations stated in the Senate Committee of the Whole Committee Report. However, I leave it to the President to judge as the sole appointing authority, if there is a need to make changes in his Cabinet,” wika ni Go, chairman ng Senate committee on health.
Kaugnay nito, hinihintay din umano ng Pangulo ang magiging resulta ng binuong Task Force na inatasang imbestigahan ang iregularidad sa Philhealth.
“Ukol sa magiging posisyon ng Pangulo, iniintay rin muna natin ang magiging kabuuang resulta ng imbestigasyon ng Task Force sa mga anomalyang nangyayari sa PhilHealth,” sabi ng senador.
Naniniwala si Go na makatutulong ang committee report ng Senado sa nilikhang Task Force ng Punong Ehekutibo na magsagawa ng imbestigasyon, mag-audit, mag-lifestlyle check, magrekomenda ng suspension o dismissals at ipakulong ang mga mapatutunayang nagkasala sa katiwalian.
Matatandaang inihayag ni Senate President Vicent Sotto III na posibleng magbago ang isip ni Pangulong Duterte kay Duque at maaaring sibakin sa puwesto kapag nabasa na nito ang kabuuang report ng Senate committee of the whole kaugnay sa kontrobersya sa PhilHealth.
“Ang ine-expect ko kapag nakita ng Pangulo ang punto namin, magbabago ang pananaw ng Pangulo ” ani Sotto.
“Maaaring may tiwala pa rin siya, pero may mga bagay na dapat mong harapin, dahil ika nga labag sa batas eh,” sabi ng Pangulo ng Senado. (Mylene Alfonso)