Advertisers

Advertisers

Covid update: 230 gumaling; 15 namatay; 1,383 new cases

0 502

Advertisers

UNTI-UNTI nang nakikita ang epekto ng ipinatupad na dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at apat pang lalawigan noong Agosto, matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng mas mababang bilang ng mga bagong pasyente na dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa case bulletin #177 na inilabas ng DOH, nabatid na hanggang 4:00 PM nitong Lunes, Setyembre 7, umabot lamang sa 1,383 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala dahilan para umabot na sa 238,727 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 49,931 na lamang ang itinuturing na aktibong kaso, at 88.3% sa mga ito ang mild cases; 8.3% ang asymptomatic; 1.4% ang severe at 2.0% naman ang kritikal.
Bagama’t sa National Capital Region (NCR) pa rin naitala ang pinakamaraming bilang ng mga bagong kaso ng sakit, ay nasa 525 lamang ito ngayon, na higit na mababa kumpara sa libu-libong COVID-19 cases na naitatala sa mga nakalipas na araw.
Kabilang din sa mga nakapagtala ng new COVID-19 cases ay ang Laguna na may 137; Batangas na may 99; Negros Occidental na may 77 at Cavite na may 69.
Mayroon pa rin namang 27 laboratoryo na bigong makapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).
Nadagdagan din ng 230 pa ang mga gumaling mula sa virus kaya’t umaabot na ngayon sa 184,906 ang kabuuang bilang ng COVID-19 recoveries sa bansa.
Ang Covid-19 related deaths naman ay umabot na sa 3,890 dahil sa karagdagang 15 pasyente na pumanaw.
Sa nasabing bilang, 3 ang nasawi ngayong September (20%), 1 noong August (7%), 5 noong July (33%), 2 noong June (13%), 2 noong May (13%), tig-1 noong April (7%) at March (7%).
Mula naman sa NCR ang 11 sa mga pumanaw, 2 sa Region 6, tig-1 sa Region 8 Region 4A .
Tinanggal naman sa total case counts ang 21 duplicates kung saan 8 ang recovered cases ang inalis.
Tatlong kaso naman ang iniulat na nakarekober ngunit napag-alamang pumanaw sa isinagawang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)