Advertisers
NASAWI ang isang miyembro ng Dawlah Islamiya-Abu Sayyaf Group na sangkot sa Dos Palmas kidnapping, habang 2 sundalo at 3 sibilyan ang sugatan sa operasyon sa Zamboanga, Sibugay.
Kinilala ang napatay na terorista na si Idris Aquilon, close associate ni Furuji Indama, at wanted na Sahibad Group.
Dinala naman ang 2 sugatan sundalo sa pinakamalapit na pagamutan.
Ayon kay Lt. Col. Don Templonuevo, Commanding Officer of 44IB, 3:15 ng madaling nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa Sitio Tubigsina, Barangay La Paz, Alicia, Zamboanga Sibugay.
Pinaniniwalaan na mayroon mga sugatan sa panig ng mga tumatakas na terorista base sa mga bakas ng dugo sa dinaanan ng mga ito.
Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga tumatakas na terorista. (Mark Obleada)