Advertisers

Advertisers

Top 4 most wanted person sa Maguindanao nang-agaw ng baril, bulagta

0 227

Advertisers

PATAY ang Top 4 most wanted person sa bayan ng Matanog, Maguidanao, habang isa ang sugatan at naaresto ang dalawang iba pa sa operasyon ng mga pulis at sundalo nitong Biyernes.
Ikinasa ang joint Oplan Pagtugis at Paglalansag Omega ng PNP CIDG-BARMM at Marine Battalion Landing Team-5 sa Matanog 3:00 ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na si Itek Dumran Cocoy, at ang sugatan ay si Makasilang Abdulhazis. Ang mga naaresto ay sina Manan Macarimbang at Tingo Macasalong na kasalukuyang nasa kostudiya ng CIDG-BARMM sa PC Hill, Cotabato City.
Ayon kay Lt.Colonel Lino Maslan, commanding officer ng MBLT-5, magsisilbi sila ng warrant of arrest laban sa mga suspek sa Sitio Binical, at Sitio T’Ba (Poblacion) sa Brgy. Bugasan Sur, Matanog nang manlaban ang mga ito.
Napasuko ng mga awtoridad ang mga suspek, pero habang ibinibyahe ng tropa ang mga ito patungong Cotabato City ay nang-agaw umano ng baril si Itek kaya nabaril siya ng mga awtoridad.(PTF team)