Advertisers
ARESTADO ang dalawang drug personalities nang makumpiska ang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA ROIII) – Bulacan Provincial Office, PDEA-NCR, at PNP QCPD sa Batasan Hills, Commonwealth Ave. Quezon City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Dionisio G. Infante Jr., 24; at Arnel B. Corre, 24, kapwa residente ng Barangay Batasan, Quezon City.
Nakuha sa dalawa ang nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million. (Boy Celario/James de Jesus)