Advertisers

Advertisers

MWWA malapit na malapit na pumasa

0 433

Advertisers

Pinagpipitagan at pinasasalamatan natin kasama ang Presidential Communication Operaions Office (PCOO) at ang ating pinamumunuang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ang Kongreso partikular na ang Sub-Committee on Labor Standard sa mabilis nitong pag-aapruba sa panukalang batas na House Bill 2476 o Media Workers’ Welfare Act ( MWWA) na siyang makakapagbago ng kalagayan nating lahat ng nasa media.

Isang kembot na lang ika nga, ay sigurado ng maisasabatas ang MWWA na pinangunahangnisumite sa plenaryo ni ACT-CIS Partylist Representative Nina TaduranIto na naglalayong makapagbigay sa mga mamamahayag at iba pang kawani sa media ng ‘hazard pay, living wage, seguridad at karagdagang insurance at hospitalization package o benepisyo.

Patunay ito na kapag nagsama-sama at nagka-isa ay talagang may makakamit na pag-asa. Pag-asa na mangyayari sa bawat manggagawa ng media ang mai-angat ang antas ng kabuhayan sa pamamagitan ng MWWA. Patunay din ito sa pagpapahalaga ng Administrasyong Duterte na protektahan ang mga manggagawa sa sektor ng pamamahayag.



Kasama sa panukalang batas na iyan ang mga mamamahayag na sumusubaybay o kumo-cover sa mga mapanganib na pangyayari ay dapat bigyan ng dimkukulang sa P500 bilang Hazard Pay kagaya sa ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng Administrative Order No. 26. Kasama rin sa magiging batas na ang mga kumpanya ng media ay dapat magbigay ng mga kaukulang kagamitan para sa proteksiyon ng kanilang empleyado kung kinakailangan sa pagko-cover nito.

Ang MWWA at Freedom of Information Act ay mga prayoridad na mga panukalang batas na itinulak ng PCOO na pinamumunuan ng ating kalihim na si Secretary Martin Andanar na siya ring Co-Chairman ng PTFoMS katuwang si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra.

Layunin ng dalawang kalihim natin na maipakita ang kagustuhan ng pamahalaan na ang mga media workers ay gampanan ang kanilang mga tungkulin ng may katotohanan, katapatan at responsibilidad na may maayang o protektadong kapaligiran. Ang dalawang batas na ito ay lalong magpapalakas sa katatagan ng media na gawin ang kanilang trabaho at makahanap ng mga impormasyon sa anumang sangay ng pamahalaan.

Tiniyak na nga ni Secretary Andanar ang pagsasabatas ng panukala dahil nakaharap niya na sila House Speaker Allan Peter Cayetanon at Majority Leader Martin Romualdez na nangakong ibibigay ang kanilang suporta sa pagpasa ng dalawang panukala nakasalang sa Kamara.

Samantalng si congresswoman Taduran na nanggaling din sa hanay ng media ay nagsabing ang MWWA AT FOIA ay pawang “game changer” onsiyang makapagbago ng takbo ng buhay ng media practitioners sa bansa. Ang mga dating wala halos maisahod na mamamahayag ay magkakaroon na ng tamang kompensasyon at mabibigyan pa ng proteksiyon habang ginagampanan ang kanilang mga tungkuling magbigay balita.



Pinasasalmatan din natin ang House Committee on Labor and Employment sa pamumuno ng chairman nito na si Rep. Eric Pineda at Sub-Committee chairman Rep. Democrito Mendoza sa kanilang mabilis na pag-aksiyon sa dalawang panukalang batas noong August 28 ng dinggin ito para maihain naman sa ikatlong pagbasa upang maging tunay na batas na ang mga ito.