Advertisers

Advertisers

Mayor ng Barili namatay, 1 week pagkamatay ng kapatid

0 259

Advertisers

MAKALIPAS ang ilang araw ng pagkamatay ni dating Dumanjug mayor Nelson Garcia, namatay naman nitong Linggo ng umaga, Sept. 6, ang nakababatang kapatid nito na si Barili Mayor Marlon Garcia.
Kinumpirma ng abogadong si Winston Garcia ang pagkamatay ng nakababatang kapatid sa Facebook post.
“To lose one brother is painful enough, but to lose another brother in the same week, my heart just can not take any further,” wika ni Garcia.
“The true fighter that he was, my brother, Marlon has been fighting for his life for the last few weeks,” dagdag pa nito.
Hindi naman binaggit ni Garcia ang dahilan ng pagkamatay ni Marlon.
Namatay si Nelson, nakatatandang kapatid ng mga Garcia nung Martes, Sept. 1.(PTF team)