Advertisers

Advertisers

Maisama sana sa 9 point agenda ni PNP Chief Gen. Cascolan ang para sa PNP Pensioners

0 3,937

Advertisers

Ang 9 point agenda ni bagong PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ay napakagandang programa sa PNP ang Comprehensive PNP Master Development Plan for all PNP camps or decongestion plan to bring the PNP units to areas where services are much needed. Ang maganda sa plan ay ang decongestion ng Licensing and Accessibility of frontline services tulad ng One Stop Shop ng FAs and explosives, SOSIA, DI, National Police clearance, motor vehicle clearance at iba pa.

Sa PNP Retirees ay maganda ito dahil nasubukan ko mismo ang dami ng tao kumukuha ng gun license at permit to carry na aabutin ka ng maghapon at may posibilidad pa bumalik ka pa uli para matapos ang proseso sa lakarin dahil nga centralized ang pagkuha. Ganun din ang pagkuha ng Motor vehicle clearance dagsa ang tao, kasama na ang PNP clearance. Mawawalan na ang dagsa ng tao kapag mapatupad ito, dahil sa kanya-kanyang region na ang pagkuha, welcome ang magandang proyekto ito ni PNP chief Gen. Cascolan. Maisama rin sana sa magandang proyekto ni butihing PNP Chief aside from his humanitarian 8 hours duty of PNP personnel ay para naman sa PNP Retirees/Pensioners ang NAPOLCOM Resolution No. 8 , section 27. Ang NAPOLCOM Resolution No. 8 ay Resolution establishing a Retirement and Separation Benefit System for the Uniformed Personnel of the PNP. Ang Section 27 naman ay ang Uniformed Personnel or separated under section 2 , 3, 4 , 5, 6, 8 , 9 , or 10 , and their dependents shall be entitled to the same privileges as Uniformed Personnel on active duty and their dependents. The Chief of the PNP shall prescribe rules and regulations necessary to implement this section. Ang privileges na tinatamasa ng PNP active personnel ay medical, burial assistance at 13 month pay na hindi tinatamasa ng PNP Retirees/Pensioners. Ang resolution na ito na ginawa pa noong February 26, 1992 ay walang implementation dahil walang PNP chief na naupo na pinirmahan ang resolution na ito at nakagawa ng rules and regulations. Sa nakikita ko malasakit ng bagong PNP Chief ay sana makarating sa kanya ito at ma-review niya ito upang mabuhay sa kapakanan ng mga Retirado. Ang naiwan ni dating PNP Chief General Archie Gamboa na Pensioner Ko, Sagot Ko, Buddy System Program ay sana rin magtuloy-tuloy sa liderato ni PNP Chief Cascolan. Maihabol din ang hinaing ng TPPD and Survivors Assn. sa kanilang naudlot na Pension, mabigyan sana sila ng pagkakataon maidulog ito kay butihing PNP Chief Cascolan.

Panguna, ang hinaing ng PNP TPPD and Survivors Assn sa kanilang kalagayan, sana mabigyan sila ng pagkakataon maidulog at makausap ang butihing bagong PNP Chief na si Gen. Cascolan. Panghuli ang kalagayan ng mga PNP TPPD and Survivors Assn, sana makarating at maidulog nila kay butihing bagong PNP Chief na si Gen. Cascolan ang kanilang ipinaglalaban na karapatan.



ISAIAH 21: 12
I answer, “Morning is coming, but night will come again. If you want to ask again, come back and ask.”