Advertisers

Advertisers

Korina sinupalpal ang basher nang punahin ang itsura ng mister na si Mar

0 285

Advertisers

MULI na namang rumesbak ang dating Rated K host na si Korina Sanchez sa isang netizen nang nam-bash ng litrato ng kanyang esposong si Mar Roxas kasama ang kanilang kambal na sina Pepe at Pilar.

Giit ng basher, in-edit daw ni Mar ang kanyang photo para magmukha itong bata.

Nag-react naman si Korina at hindi pinalampas ang basher at tinawag itong “bobo” at “idiota.”



***

Dating GMA host anchor, umaarangkada sa Canada

ISANG Pinoy na naman ang nakapagbigay ng karangalan sa bansa sa kabila ng pandemya.

Ito ay walang iba kundi ang dating GMA Network host at anchor na si Rhea Santos na isa nang certified news anchor sa Canada.

Sa kasalukuyan, nagtratrabaho ang magaling na broadcast journalist bilang news anchor  sa OMNI New Filipino Edition.



Sa kanyang Instagram post, sinabi niya na kahit wala na siya sa Pinas, patuloy daw na nagagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang journo at proud siyang naisasabuhay ang kanyang ‘passion’ sa pamamagitan ng paghahatid ng mga balita sa kanyang mga ‘kababayan’ abroad.

“Marking this day that I’m able to do my passion to tell stories that matter to my ‘kababayan’ here in Canada,” aniya.

Sa magkaibang post, sinabi rin niya na ang news team nila ay may misyon para ipalaganap ang Pinoy sa buong mundo.

Marami namang netizens ang natuwa sa bagong ‘journey’ ni Rhea at nagbigay ng komento.

Ilan sa kanilang mga komento ang mga sumusunod:  “Wow congratulations Ms Rhea!’, “So inspiring, Ms Rhea! Congratulations to you”, “Wow its nice”,“ “Pinoy Pride!”

Si Rhea ay naging bukambibig sa mga programang “Unang Hirit” at “Reporter’s Notebook” ng GMA-7.

Noong nakaraang taon, namaalam siya sa GMA-7 pagkatapos ng 19 na taon para mag-aral abroad at makapiling ang kanyang pamilya sa Canda.

Sa kanya ring IG account, ibinahagi niya ang kanyang buhay at routine sa Canada pati na ang iba’t ibang scenic destinations na napuntahan na niya. (Archie Liao)