Advertisers

Advertisers

Konsehal patay, 5 sugatan sa nahulog na pick up sa bangin

Makikipaglamay... pinaglamayan narin

0 203

Advertisers

PATAY ang isang municipal councilor at sugatan ang limang kasama nito nang mahulog ang kanilang sasakyan sa bangin sa Sitio Mangkew, Barangay Pacso, Kabayan, Benguet nitong Sabado, Setyembre 5.
Kinilala ang nasawi na si Mercury Caridad Binwihan, 54, may asawa, konsehal ng bayan ng Tinoc, at residente ng Brgy. Impogong, Tinoc, Ifugao.
Sugatan naman ang mga kasamaha ni Binwihan na sina Norwin Polon Carpio, 34, ng Poblacion, Kapangan, Benguet; Jonathan Wakat Binwihan, 20, ng Impogong, Tinoc; Elsa Tabingan Paeng, 52, ng Nabalicong, Buguias, Benguet; Analiza Paeng Carpio, 32, guro, ng Natubleng, Buguias; at Leizel Ann Pael Dulnuan, 25, engineer, ng Asin, Tuba, Benguet.
Sa ulat, galing ng La Trinidad, Benguet at papunta ng Sitio Mangkew ang grupo sakay ng isang pick-up na may plakang CML 599 na minamaneho mismo ng konsehal para makikipaglamay sa isa nilang namatay na kamag-anak sa nabanggit na lugar.
Pagdating sa pababang parte ng kalsada, hindi umano napansin ng konsehal ang pakurbang parte ng kaya dumiretso ang kanilang sasakyan sa bangin na may lalim na 50 metro.
Agad na naitakbo ang mga biktima sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival si Binwihan.
Wasak ang pick-up na sumabit pa isang punong kahoy sa ibaba ng bangin.(PTF team)