Advertisers
KASABAY ng virtual na pangunguna sa paglulunsad ng Malasakit Center sa Apayao, tiniyak ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go sa mga residente doon na bukas ang kanyang tanggapan sa anumang posibleng maitulong niya sa mga nangangailangan.
Ipinaalala ni Go sa mga taga-Kalinga na para sa lahat ng Pilipino ang Malasakit Center kasabay ng pagtiyak niya na sinisikap nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang masayang na pera ng sambayanan.
Ayon kay Go, dapat na ibalik sa taumbayan ang serbisyong nararapat para sa kanila mula sa kanilang buwis na binabayaran kung saan sa ilalim ng Malasakit Center ay nagsama-sama na sa iisang tanggapan ang mga kinatawan ng DOH, DSWD, PhilHealth at PCSO na maaaring magbigay ng assistance sa mga mahihirap na pasyente.
Ang Malasakit Center sa Far North Medical Center sa Apayao ang ika-81 Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Samantala, umapela si Go sa mga ospital na maglagay ng express lane para sa mga disabled at senior citizen upang hindi na mahirapang pumila. (Mylene Alfonso)