Advertisers

Advertisers

HINDI NAMIN INABANDONA SA OSPITAL ANG MOTHER NAMIN – TALAG SIBLINGS!

0 1,460

Advertisers

Sa gitna ng pagdadalamhati habang nakaburol ang pinakamamahal na ina ay mariing naibulalas ng magkakapatid na pamilya TALAG ang sama ng loob nila sa programa ni BEN TULFO na BITAG sa pag-aakusang pinabayaan ang kanilang inang mahigit isang taong naratay sa ST. LUKES HOSPITAL sa TAGUIG CITY.

“Hindi namin inabandona ang aming ina at hindi namin magagawa iyon at ang ospital ay nakausap ko pa sa telepono ang secretary ng doctor ng aming ina.., paanong sasabihin ng management ng ospital na hindi kami ma-locate o hindi kami makontak. Bakit nila pinayagang mailabas sa ospital ang aming ina na ni isa sa aming magkakapatid ay walang nagpahintulot.., sila ang naging kadahilanan sa pagkamatay ng aming ina,” hinanakit na naihayag ni WILFREDO “WILLIE” TALAG hinggil sa sinapit na pagkamatay ng kanilang inang si Mrs. LETICIA MARIANO TALAG, 86.

Sa personal na panayam ng ARYA sa magkapatid na WILLIE TALAG at RODOLFO “BUTCH” TALAG JR sa burol ng kanilang ina sa ARLINGTON FUNERAL HOMES, QUEZON CITY ay malaking kasinungalingan umano ang naging sumbong ng kanilang kinuhang caregiver na si MARY JANE VERALLO para umasiste at mangalaga sa kanilang inang naka-confine sa hospital.



“Malaking kasinungalingan sapagkat mismo si Mary Jane Verallo na nagmaltrato o nag-mental torture na inyong napanood sa video na pinaniwalaan ni Ben Tulfo ay alam nya tawagan o ma-contact ang aking kapatid at patuloy ang ugnayan ng kapatid ko na si Mr. Butch Talag sa billing section ng St. Lukes Hospital sa Global City at alam din ng St. Lukes dahil sya ang nagdala sa ina namin si Mrs. Leticia Mariano Talag sapagkat madalas matulog dun ang aking kapatid si Mr. Butch at alam din nila ma-contact ang sister ko na si Dr. Annarubie Talag Barcelo,” pahayag ni WILLIE TALAG.

Sa programa ni BEN TULFO ay nagsumbong ang caregiver na si MARY JANE at sinabing hindi na raw bumibisita roon ang mga anak ng pasyenteng si Mrs. TALAG.., hindi rin umano ito pinasusuwelduhan at ni kusing ay hindi pa umano ito nakakatanggap mula sa kaniyang amo na si BUTCH TALAG JR na gusto na raw nitong makuha ang kaniyang suweldo para makauwi na sa kanilang probinsiya; kung saan ang pang-araw-araw niyang pangangailangan tulad ng pagkain ay mula sa bigay ng mga nurse sa ospital.

Sa interview pa ni BEN TULFO sa kaniyang programa sa isang NURSE ng ST. LUKES HOSPITAL na hindi na pinangalanan ay naihayag ng NURSE na ang mga DOCTOR daw ay nag-decide na pauwiin na ang pasyente subalit hiniling ng anak (si BUTCH) na gusto nitong ipa-rehab pa ang kanilang ina.

“Nagrehab naman po, okey naman po yung pasyente, andito rin po si anak almost everyday. Pinapadalhan siya ng letter na notice nga po ng hospital then marami siyang kino-commit na babayaran. Until eventually, one day hindi na po nagparamdam sa amin, more on phone call na lang. Nasa malayong lugar daw siya whatsoever, so the hospital made some investigation. Lahat ng address na mayroon siya ay hindi nag-eexist or wala siya doon, yung anak na nagdala po.., it’s Rodolfo “Butch” Talag Jr. Isang kapatid si Ms. Ana Rubie Talag-Barcelo, Dentist sa Makati. Bandang January we tried to investigate to look for other relatives din. From patient din po since lagi niya binabanggit may anak siyang dentist, we tried to search for the dentist. So nakita naman and according to her kinuha daw ito ni Butch sa kaniya, parang kinidnap daw si Mommy sa kaniya. Then dumating dito, we tried na ibigay na sa kaniya si Mommy, si patient po and we were asking na kuhanin niya din dito si patient. Unfortunately, andami niyang reasons na kesyo nasalanta siya ng Taal, na malayo yung ganiyan and eventually hindi na po siya nagparamdam. Then were trying to call her, hindi na siya sumasagot sa amin. That was around mid January or February. Even the clinic in Makati hindi raw nag-eexist siya whatsoever…, and then for the Willy Talag, we tried to text him or call, hindi rin siya nagre-response,” pahayag ng NURSE sa phone interview ni BEN TULFO sa kaniyang programa hinggil sa sitwasyon ng pasyente na tinuran ni TULFO na dating actress inabandona o pinabayaan daw ng mga anak sa pagkakaratay sa ospital.

Mariing pinabulaanan naman ito ni WILLIE TALAG at nagpahayag ito na sumulat pa siya noong August 16, 2020 address kay DR. BENJAMIN CAMPOMANES JR, ST. LUKES EXECUTIVE VICE PRESIDENT AND CHIEF MEDICAL OFFICE na properly receive pati sa HEAD NURSE ng 6th Floor na siyang kinararatayan ng kanilang ina. Nakausap din nito sa telepono si Ms. LANI PONCE na SECRETARY ni DR. CAMPOMANES na kanilang ilalabas sa ospital ang kanilang ina sa August 20 ng kasalukuyang taon.



“Bakit nila inilabas ng August 19, 2020 na wala kaming pahintulot o pirma na galing sa aming tatlo na magkakapatid?, saad ni WILLIE TALAG kasunod ang paglilinaw nito na hindi naging artista ang kanilang ina kundi isang TEACHER at ang yumao nilang ama na si DR. RODOLFO TALAG SR ay isa rin sa naging katuwang sa may-ari ng ST. LUKES mula pa sa E. RODRIGUEZ QUEZON CITY noong hindi pa naipatatayo ang ST. LUKES sa TAGUIG CITY.

Sa programa ng BITAG ay nagawa nilang mailabas ang pasyente sa ospital at ibiniyahe ito sa NAZARETH PAG-IBIG sa SAN PABLO CITY na nitong August 26 ay namayapa na ang pasyente.

“Hinanap namin kung saan dinala ang mother namin, sabi ay sa Bahay Pag-ibig sa Pampanga yun pala e sa SAN PABLO CITY pala dinala ang mother namin. Diabetic ang mother namin at nag-iinsulin yun e baka hindi nakapag-insulin kaya yun ang sinapit ng aming ina,” pahayag ni BUTCH TALAG sa panayam ng ARYA.

Ang incharge naman sa mga CAREGIVER ng TALAG FAMILY na si MAYCEE TONGO ay walang katotohanan umano ang alegasyon ng caregiver na si MARY JANE na ni kusing ay wala pa itong natatanggap dahil aniya ay siya ang nagpasuweldo nito sa mga unang buwan bago nag-lockdown dahil sa COVID-19 PANDEMIC.

Sa obserbasyon ng ARYA ay lumalabas na ang naging motibo ng CAREGIVER ay maipahiya sa publiko ang imahe ng magkakapatid na TALAG, dahil si WILLIE ay kumandidato nitong nakaraang eleksiyon bilang MAYOR sa MAKATI CITY na tinalo ito ng kasalukuyang MAYOR sa kanilang lungsod.

Bukod dito ay may LOOPHOLES ang ST. LUKES HOSPITAL dahil may abiso na pala mula kay WILLIE sa ospital na kanilang kukuhanin ang kanilang ina sa AUGUST 20 at August 17 e nakausap pa ni WILLIE ang SECRETARY ng doctor thru telephone, so, well informed ang staff ng ospital na ilalabas ng magkakapatid ang kanilang ina.., e bakit pinayagang mailabas ang pasyente na walang pahintulot ng TALAG SIBLINGS noong AUGUST 19 gayong isang araw na lang naman at kinabukasan August 20 ang takdang dapat kunin ng magkakapatid ang kanilang ina?

Isang VIOLATION pa ay ang COVID-19 PROTOCOL.. na hindi basta pinahihintulutan ang mga taga-METRO MANILA na makapasok sa iba’t ibang probinsiya na kung papasok man ang sinuman ay kailangan munang sumailalim sa MANDATORY 14-DAY QUARANTINE.., bakit ipinuslit ang pasyente at dinala ng rekta sa SAN PABLO CITY? Nalaman ba ito ng SAN PABLO CITY GOVERNMENT?

Kung mayroong hindi pagkakaintindihan ang TALAG SIBLINGS ay labas na ang publiko rito dahil ang isyu ay ang pagpapahintulot ng ST. LUKES HOSPITAL na makalabas ang pasyente sa asiste ng programang BITAG lamang at may HEALTH PROTOCOL pa ang gobyerno dahil sa PANDEMIC ay ibiniyahe at ipinuslit papasok sa SAN PABLO CITY ang pasyente.., na hindi inabisuhan at walang pahintulot ang TALAG SIBLINGS gayong August 17 ay nakipagkomunikasyon pa si WILLIE sa staff ng ospital!

Bunsod nito ay pinag-aaralan na ng LAWYERS ng TALAG FAMILY ang isyu para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa ginawang pagpapalabas sa pasyente sa ospital.., na nitong nakaraang Sabado ay inilibing na ang yumaong si MRS. LETICIA TALAG.., ang ARYA ay nakikiramay sa masaklap na sinapit sa ina ng TALAG SIBLINGS at nawa ay makamit ng TALAG FAMILY ang hustisya na mapanagot ang lahat sa mga may kinalaman sa pagpapalabas ng pasyente na walang kaukulang pahintulot mula sa IMMEDIATE FAMILY!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o mag-text sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.