Advertisers
You cannot put a good MAN down!
Patungkol ito sa ilang ingratong tao sa chess na kahit nakinabang na at di birong tulong ang nagawa ng kapwa ay kaya pang siraan at alipustahin ang pagkatao ng naging kadamay at mesiyas nila sa panahon ng kanilang kagipitan at pangangailangan.
Si Chess Grandmaster Jayson Gonzales ay kilalang isang mabuting tao lalo na ng mga nakadaupang-palad na nito, matulungin, isang parehas na personahe at di nanlalamang sa kapwa.
Pero kahit gaano kabuti ang katulad ni GM Jayson, tunay na ‘he can not please everybody.’
Ang siste lang ay ang nais pang manira, bintangan ng masama at magkalat ng fake news thru social media ay ang mga taong natulungan niya noon sa buhay na hindi naman niya pinangangalandakan kung di sila naging ingratong tao sa kanya.
Tulad nitong isang ordinaryong chess player mula Visayas at nakipagsapalaran sa Maynila na nagkaroon ng medyo matalas na anak sa larong ahedres kaya lumapit ito noon kay GM na chess coach ng FEU, kundi sa endorso at koneksyon ni coach Jayson sa management ay di magiging iskolar ang bata bilang manlalaro ng paaralan ng ilang taon sa kanyang timon.
Pero dahil sa attitude problem ani GM ay nasuspinde ang bata na ikinagalit ng ama sa kanya. Ang mga nagawang mabuti ni GM pati sa pagtulong pinansyal sa mag-ama ay nabalewala at pinersonal ito ng walang utang na loob nang nagsimula itong mag-post ng paninira sa pagkatao ni GM sa FB kasama ang isang chess coach ng ibang paaralan na isa pa man ding kabalen na nawala sa eksena noong si GM Jayson na ang executive director ng NCFP pati na ang isang arbiter na natanggal dahil sa mga palsong gawa kakomplut pa ang isang IM na balitadong notoryus sa game fixing.
Nagsanib puwersa sila upang alipustahin ang isang taong may naitatag na pinagpipitagang reputasyon at role model ng mga batang sumisibol sa larangan ng chess bukod sa matayog na pagkilala sa kanya ng business community na nagbibigay ng empleyo at kabuhayan sa mga tao.
Ang kanyang narating na tagumpay bilang sportsman/businessman ay galing sa parehas na labanan at malayo sa kanyang personalidad ang maging tiwali at switik sa kapwa. Anumang meron siya ngayon ay galing sa kanyang pawis at sakripisyo para maabot ang tagumpay.
Ayon kay GM, ang ihabla ang kapwa chess player ay mabigat at malayo sa kanyang isip pero sukdulan na ang pag-alipusta sa kanya ng mga taong di nya akalaing ida-down siya.
Pader ang binangga nila. Di basta magigiba si GM Jayson kaya humanda sila sa kanilang laban sa husgado kung kaya nilang harapin ang 7 counts at may susunod pa sa napipintong legal battle nila.
Humantong pa sila na deskriminahin ang gender ni GM eh mas ASTIG, may paninindigan at mas MAGINOO pa siya kesa sa kanila humarap man sila sa salamin. Di kayo aabot sa pataasan ng ihi at di uubra sa basagan ng yagbol. Kilala ninyo kung sino kayo! Maliit lang ang chess community..ABANGAN!!!
LOWCUT: FYI-Si GM Jayson Gonzales ay isa sa ating pinagmamalaking International Grandmaster- ang pinakamataas na titulong ginagawad ng FIDE sa mga outstanding chess players ng mga bansa.Sina GM Oliver Barbosa, GM Julio Catalino Sadorra, GM Richard Bitoon at WGM Janelle Mae Frayna ang mga nakakamit ng karangalang titulo sa panahon ng kanyang timon bilang NCFP Executive Director.FEU chess teams coach, FEU Hall of Famer, founder ng PACE- academy ng mga batang chess players at may-ari ng tanyag na JUBILANT Advertising sa Quezon City. Shoutout kay NM Atty. Cresencio ‘Cris’ Aspiras.