Advertisers
Kinumpirma ng Malacañang na pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na unti-unting ibalik ang turismo bilang paunang hakbang sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inatasan ng Pangulo ang tourism department na palakasin ang ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan.
Dagdag pa ni Roque, ito ay para matiyak na masusunod pa rin ang quarantine protocols sakaling buksan na muli ang turismo sa bansa.
Ang pasyang ito ng Pangulo ay matapos isailalim ang maraming lungsod at lalawigan sa modified general community quarantine (MGCQ) mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 30.
Unang pinagsisikapang buksan ng Department of Tourism ang Baguio City at iba pang lugar sa Cordillera gaya ng Mountain Province, Benguet, Ifugao at Kalinga. (Josephine Patricio)