Advertisers

Advertisers

Covid update: 23,074 gumaling; 85 namatay; 2,839 new cases

0 221

Advertisers

NASA mahigit 184,000 na ang mga pasyenteng gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa case bulletin no. 176 na inisyu ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang 4:00 PM nitong Linggo, Setyembre 6 ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 23,074 pasyente na nakarekober na mula sa virus, sanhi upang umakyat na sa kabuuang 184,687 ang total COVID-19 recoveries sa Pilipinas.
Samantala, iniulat din ng DOH na nakapagtala pa sila ng karagdagang 2,839 bagong confirmed case ng COVID-19 sanhi upang umakyat na ngayon sa 237,365 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas na isinagawa mula sa 96 out of 115 current operational labs.
Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ay nasa 48,803 na lamang ang itinuturing nilang active cases ng COVID-19 sa Pilipinas, at 88.6% sa mga ito ay mild cases lamang, 8.0% ang asymptomatic o walang sintomas ng sakit, 1.4% ang severe at 2.0% naman ang kritikal.
Pinakarami pa rin anilang naitalang bagong kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR), na nasa 1,170; Negros Occidental na nasa 195; Laguna na nasa 190; Cavite na nasa 182 at Rizal na nasa 154.
Samantala, umakyat din naman ang bilang ng mga pasyenteng namatay dahil sa virus sa 3,875 matapos na makapagtala pa ng 85 COVID-19 deaths hanggang kahapon.
Sa naturang bilang, 29 ang binawian ng buhay ngayong Setyembre; 33 noong Agosto; anim noong Hulyo; tatlo noong Hunyo; pito noong Abril at isa noong Marso.
Karamihan sa mga namatay ay mula sa NCR (41 deaths); Region 7 (15); Region 4A (9); Region 8 (4); Region 10 (4); Region 3 (2); Region 5 (2); Region 2 (1); Region 6 (1); Region 9 (1); Region 12 (1); Region 4B (1); BARMM (1); CARAGA (1); at ang isa pa ay hindi batid kung saan nagmula.
Samantala, mayroon ding 44 duplicates na inalis sa total case counts kung saan 28 ang recovered cases bukod pa sa 27 na kaso na iniulat na recovered ngunit ang 26 ay pumanaw at 1 ang aktibong kaso base sa final validation ng DOH. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)