Advertisers
HINALAY ng 33-anyos na lalaki ang dalagitang anak ng kanyang kinakasama sa Pandi, Bulacan.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP Regional Director, Brig. Gen. Rhodel Sermonia, kinilala ang nanggahasa na si Edilberto Surbano, residente sa nabangit na bayan.
Ayon sa ulat, naganap ang panghahalay sa 16-anyos dalagita (hindi na pinangalanan) sa loob ng kanilang bahay habang wala ang kanyang ina.
Agad nagsumbong ang dalagita sa kanyang ina at agad din silang nagsumbong sa mga pulis.
Sa isinagawang follow up operation, naaresto si Surbano. (Thony D. Arcenal)